^

Metro

Pahinante dedo sa gumibang pader

-
Isa ang nasawi makaraang bumigay ang isang pader dahil sa biglaang pagtaas ng tubig bunga na rin ng walang tigil na pag-ulan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Danilo Calamba, 36, pahinante at residente ng Amlac Subd., Lupang Pangako Brgy. Payatas, habang nakaligtas naman ang hipag nito na si Shirley Calamba at ang mag-pinsang Daniel, 3 at Carlo, 5 at dalawa pang kasambahay ng mga ito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon ng magsimulang bumagsak ang malakas na ulan at nagpatuloy hanggang noong gabi.

Nabatid na kasalukuyan umanong natutulog ang biktima sa tabi ng pader ng kanilang bahay nang bigla na lamang tumaas ang tubig at nagiba ang konkretong pader.

Tiyempo namang nabagsakan sa dibdib ang biktima at masuwerte namang nakaligtas ang ilang kasambahay nito.

Napag-alaman na nakatirik ang bahay ng biktima sa mababang lugar kaya’t nang umapaw ang katabi nitong ilog ay naging mabilis ang pagtaas ng tubig na siyang naging dahilan ng pagguho ng pader. (Ulat ni Doris Franche)

AMLAC SUBD

BRGY

DANILO CALAMBA

DORIS FRANCHE

ISA

KINILALA

LUPANG PANGAKO BRGY

PAYATAS

QUEZON CITY

SHIRLEY CALAMBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with