Si Antonio Villan Manly, executive vice president ng Standard Realty Corp. at ang asawang si Ruby Ong Manly ay ipinagharap ng reklamo sa DOJ dahil sa under-declaration ng income para sa taong 2000, 2001 at 2003.
Sa rekord ng BIR, umaabot sa halagang P12.4 milyon ang halaga ng buwis na hindi nabayaran ng mag-asawa.
Base sa isinumiteng income tax returns ng mag-asawang Manly, kumikita lamang ang mga ito ng P148,100 mula sa Standard Realty Corp. at P206,489 ang taunang kita nila sa rental business.
Ngunit hindi nakaligtas sa BIR ang ginawang pagbili ng mag-asawa ng isang log cabin sa Tagaytay Highlands (P17.5 milyon) noong taong 2000; isang Toyota RAV4 (P1.35-M) noong taong 2001; at isang Toyota Prado (P2-M) noong taong 2003. (Ulat nina Grace dela Cruz at Angie dela Cruz)