Freshman lasog sa pick-up
June 24, 2005 | 12:00am
Lasog ang katawan ng isang 16-anyos na freshman student ng University of Santo Tomas (UST) makaraang masagasaan ito habang papasok sa nasabing unibersidad kamakalawa ng umaga sa Malabon City.
Namatay noon din ang biktimang si Nica Charlene Ardiente, BS Chemistry student sa UST at residente ng #18 Interior 3, Vicencio St., Brgy. Niugan, nasabing lungsod sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga elemento ng Northern Traffic Enforcement Group (NTEG) laban sa hindi nakilalang driver ng asul na pick-up type vehicle at may plakang WET-686 na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat na nakalap mula sa NTEG, dakong alas-6 nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng Gen. Lunasol St., Brgy. Concepcion, Malabon.
Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Edgar Lim, may hawak ng kaso, kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan ang biktima upang pumasok sa eskuwelahan nang aksidenteng malaglag ang isang gamit nito sa kalsada.
Ayon sa mga nakasaksi, akmang pupulutin na ng biktima ang nahulog na gamit nang hindi napansin ang paparating na pick-up dahilan upang masagasaan ito kung saan ay tumilapon ng may ilang metro ang biktima.
Nabatid pa na sa halip na huminto ang driver upang tulungan ang biktima ay walang pakundangan nitong pinasibad ang sasakyan tahak ang direksyon ng Caloocan City.
Ilang residente naman ang agad namang nakakuha ng plate number ng sasakyan at ipinagbigay-alam ang nasabing insidente sa pulisya.
Agad nakipag-ugnayan ang NTEG sa Land Transportation Office upang makilala at masakote ang nagmamay-ari ng nabanggit na sasakyan upang managot sa nasabing insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended