'Investment queen' arestado
June 24, 2005 | 12:00am
Isang tinaguriang investment queen na sangkot sa multi-milyong investment scam ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Quezon City.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, iniharap ni NCRPO director Chief Supt. Vidal Querol ang nasakoteng suspect na si Gloria Esplana Reyes, 55, tubong Baao, Camarines Sur.
Ayon kay Querol, ang suspect ay nasakote ng kanyang mga tauhan sa bisinidad ng Presidents Tower Condominium sa kahabaan ng Timog Avenue sa lungsod ng Quezon bandang ala-1 ng hapon.
Nabatid sa opisyal na si Reyes ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Prescilla Mijares, presiding judge ng RTC Branch 108 ng Pasay City at walang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Sinabi pa ni Querol na mahigit rin dalawang linggo nilang isinailalim sa surveillance operation ng pulisya sa ibinibigay nitong address sa 7 Champaca St., Mapayapa Village sa Quezon City bago ito nasakote.
Bukod dito ay may isa pang warrant of arrest ang suspect sa kasong estafa.
Ang suspect ay dinakip matapos magreklamo ang isa sa mga naging biktima nito na si Joseph dela Luna na nag-invest ng malaking halaga sa International Services Inc. na umanoy korporasyon ni Reyes.
Nabatid na matapos na maglagak ng malaking halaga ang sinasabing kinita ng biktima na P53,203,527 na inisyu ni Reyes sa pamamagitan ng tseke ay pawang tumalbog dahil sa walang pondo sa bangko.
Bukod dito, marami pa umano ang naging biktima ng suspect sa ganito ring istilo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended