^

Metro

Professional squatter sa Luneta Boardwalk talamak – DOT

-
Humingi ng tulong sa Western Police District (WPD) ang Department of Tourism (DOT) upang tiyakin ang seguridad sa Boardwalk sa Rizal Park na umano’y pinamumugaran na ng mga propesyonal na squatter na nangingikil ngayon ng malaking pera sa isang dayuhang kumpanya.

Sinabi ni Philippine Tourism Authority (PTA) General Manager Robert Dean Barbers na nagpasaklolo na siya sa WPD dahil sa pagmamatigas ng ilang katao na manatili sa kanilang mga tindahan sa ‘Luneta Boardwalk’ matapos na mag-utos na ang Manila Regional Trial Court na lisanin na nila ang naturang lugar.

Nabatid na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng pulisya kasama ang mga tauhan ng PTA nitong nakaraang Lunes nang manlaban ang ilang miyembrong Luneta Boardwalk Tenant Association (LBTA) sa isinagawang demolisyon sa kanilang mga stalls.

Ayon kay Barbers, isang international consortium buhat sa China, Australia, Singapore at Malaysia ang nakatakdang magpatayo ng US$20 milyong tourist attraction sa Manila Ocean Park sa boardwalk kung saan inaasahang kikita ang pamahalaan ng P16.5 milyon kada taon.

Sa kabila na walang kontratang pinanghahawakan ang mga tenants, nagmatigas ang mga ito na lisanin ang boardwalk. Iniakyat ng mga ito ang kaso sa korte kung saan nakakuha sila ng temporary restraining order (TRO) ngunit pinawalang-bisa rin kasama ang isinumite nilang hiling para sa "mandatory injunction".

Pansamantalang itinigil naman ng PTA ang pagbabaklas sa mga establisimiyento sa boardwalk matapos na magsumite ng "motion for reconsideration" ang LBTA sa korte na inaasahang ibabasura rin ngayong linggo.

Nabatid pa na ang mga "propesyonal na squatter" na ang naturang mga tenants matapos na paupahan ng mga opisyales ng LBTA ang ilang bakanteng puwesto sa iba na wala sa kaalaman ng PTA. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TOURISM

GENERAL MANAGER ROBERT DEAN BARBERS

LUNETA BOARDWALK

LUNETA BOARDWALK TENANT ASSOCIATION

MANILA OCEAN PARK

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NABATID

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with