12 holdaper sa university belt timbog
June 22, 2005 | 12:00am
Umaabot sa 12 mga kilabot na holdaper at snatcher na nambibiktima sa mga estudyante sa paligid ng university belt ang nasakote ng Western Police District (WPD) bilang resulta umano ng mahigpit na seguridad na ipinatupad sa pagsisimula ng pasukan ng klase.
Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ang mga natiklong mga masasamang-loob na nadakip ng WPD-Station 4 sa may Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Orlan Ventura, Edwin Cruz, Juby Noblado, Jonathan Barroga, Christopher Arce, Ryan Areglado, Efrain Quinlet, Antonio Eric, Anthony Baltazar, Joven Cruz, Alfredo Engson at Joel Reyes.
Nabatid na karamihan sa mga nadakip ay mga miyembro ng "Agaw Cellphone Gang" kung saan narekober sa mga ito ang ibat ibang uri ng cellphone, mga alahas, cash at iba pang electronic gadgets.
Sinabi ni Supt. Bernardo Diaz, hepe ng WPD-Station 4, na ang pagkakadakip sa mga suspect ang resulta ng mahigpit nilang pagbabantay sa mga unibersidad na nasasakupan ng kanilang lugar tulad ng University of Santo Tomas, Far Eastern University, University of the East, University of Manila at iba pa.
Sa kabila nito, sinabi ni Diaz na patuloy pa rin ang paghihigpit nila sa pagbabantay sa mga kalsada dahil sa patuloy pa rin ang pambibiktima ng iba pang mga holdaper at snatcher na mistulang hindi maubos sa lungsod. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest