Di nagbayad sa oral sex: Bading tinarakan ng 17 beses
June 21, 2005 | 12:00am
Labimpitong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng umanoy isang bading matapos na pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng lalaki na hindi nito binayaran matapos makipag-oral sex kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Ronald Valisno, Jr. 48, retired govt. employee at residente ng No. 13 Lot 12 Blk 1 Seminary Road, Brgy. Bahay Toro ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang nakapiit sa Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang suspect na si Antonio Negredo, 22, ng Pantranco St. Brgy. Sta. Cruz, ng nabanggit na lungsod.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ni SPO4 Fedencio Basibas na naganap ang insidente bandang ala-1 ng madaling-araw sa bahay mismo ng biktima.
Ayon kay Supt. Jose Garcia, deputy chief ng CPD-CIU, nagkasundo ang biktima at suspect na mag-oral sex kapalit ng halagang P2,000 para sa apat na session. Naibigay na ng biktima ang halagang P1,500.
Subalit matapos ang huling session ay tumanggi na ang biktima na ibigay ang karagdagang P500 na ikinagalit ng suspect kasabay ng pagbibitaw ng mga salitang "estapador ka pala!".
Nagalit ang biktima at sinuntok ang suspect na nagbunsod naman sa huli na gumanti din ng suntok.
Dahil dito, kumuha ng patalim si Valisno at sinaksak si Negredo na tinamaan naman sa ulo at katawan.
Bagamat may tama ng saksak nagawang maagaw ni Negredo ang kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima.
Sa taranta ni Negredo, hindi nito napansin na brief lamang ang kanyang suot nang tumalon ng bintana upang takasan ang krimen. Nadakip naman ito ng taumbayan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended