^

Metro

1 dedo, 2 grabe sa papamaril ng 2 lasing

-
Patay ang isang lalaki habang nasa malubhang kalagayan naman ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng dalawang lasing kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Federico Lusteric, 50, samantalang inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center sina Sanita dela Cruz at apong si Nenita Adriano, 25 kapwa residente ng #340 R. Domingo St. Brgy. Tangos ng naturang bayan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspect na sina Arlita Baltazar at Ernesto Rabajanto, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Charlie Bontiago, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang nag-iihaw ng barberque ang biktimang si Lusteric. Nakaupo naman sa tabi nito ang maglola na sina dela Cruz at Adriano.

Dumating ang mga suspect kung saan hinahanap ng mga ito ang isang nagngangalang Floring na fishboat operator. Subalit hindi ito nakita ng mga suspect.

Dahil sa magkakilala, binati na lamang ni Lusteric ang mga suspect ng "Pare ano ba? na ikinagalit ng suspect na si Baltazar kasabay ng pagsagot ng " Pare, mainit ulo ko, gusto kong mamaril."

Nagulat na lamang ang lahat nang biglang bunutin ni Baltazar ang kanyang baril at paulanan ng bala ang mga biktima. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARLITA BALTAZAR

BALTAZAR

CHARLIE BONTIAGO

CRUZ

DOMINGO ST. BRGY

ERNESTO RABAJANTO

FEDERICO LUSTERIC

NENITA ADRIANO

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with