Personal na dumulog sa CPD-Kamuning Police Station si Juliet Devela, 38, ina ng mga biktima upang ireklamo ang asawang si Federico Florendo, 46, matansero. Nasopresa naman ang suspect nang dakpin sa kanyang bahay sa #77 Lantana St. Brgy. Immaculate Concepcion, ng nabanggit na lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Corazon Sandoval ng Womens and Childrens Desk nagsimulang halayin ng suspect ang kanyang mga anak na itinago sa mga pangalang Nikki,10; at Nikka, 8, noong Oktubre 2004 hanggang sa Marso ng taong kasalukuyan. Nabatid na tumawag ang mga biktima kay Devela na nasa Kuwait kung saan agad namang gumawa ng paraan ang huli upang makauwi.
Wala namang kamalay-malay ang suspect na dumating na ng bansa si Devela kung kayat nagulat ito nang bigla siyang arestuhin ng mga pulis. (Doris Franche)