^

Metro

Hinalay ang 2 anak: Mister pinahuli ni misis

-
Ipinaaresto ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang sariling asawa matapos na mabunyag ang ginawa nitong panghahalay sa dalawang anak sa Quezon City.

Personal na dumulog sa CPD-Kamuning Police Station si Juliet Devela, 38, ina ng mga biktima upang ireklamo ang asawang si Federico Florendo, 46, matansero. Nasopresa naman ang suspect nang dakpin sa kanyang bahay sa #77 Lantana St. Brgy. Immaculate Concepcion, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Corazon Sandoval ng Women’s and Children’s Desk nagsimulang halayin ng suspect ang kanyang mga anak na itinago sa mga pangalang Nikki,10; at Nikka, 8, noong Oktubre 2004 hanggang sa Marso ng taong kasalukuyan. Nabatid na tumawag ang mga biktima kay Devela na nasa Kuwait kung saan agad namang gumawa ng paraan ang huli upang makauwi.

Wala namang kamalay-malay ang suspect na dumating na ng bansa si Devela kung kaya’t nagulat ito nang bigla siyang arestuhin ng mga pulis. (Doris Franche)

vuukle comment

BATAY

CORAZON SANDOVAL

DEVELA

DORIS FRANCHE

FEDERICO FLORENDO

IMMACULATE CONCEPCION

JULIET DEVELA

KAMUNING POLICE STATION

LANTANA ST. BRGY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with