Gen. Abat kakasuhan ng inciting to sedition
June 19, 2005 | 12:00am
Sasampahan ng kasong inciting to sedition ng National Bureau of Investigation (NBI) si retired General Fortunato Abat.
Ito ang tiniyak kahapon ni NBI director Reynaldo Wycoco, matapos ang pahayag nito na-i-take over na ang gobyerno.
Kung matutuloy, si Abat ang pangalawang masasampahan ng ganitong kaso ng NBI matapos na unang nang kasuhan si dating NBI Deputy Director for Intelligence Samuel Ong noong nakalipas na Hunyo 15.
Binanggit ni Wycoco ang hayagang naging pahayag ni Abat laban kay Pangulong Arroyo na magbitiw na sa puwesto. Binanggit pa nito nakahanda siyang tumayong transition president.
Ipinaliwanag pa ni Wycoco na dapat ay noong isang linggo pa nila isinampa ang kaso laban kay Abat, gayunman patuloy pa rin nilang iniipon ang mga ebidensiya laban dito.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkaalarma ang mga estudyanteng nagre-represent sa may 20 Catholic schools sa Metro Manila na bumuo ng Youth Power Againts Destabilization (Y-PAD) sa ginawang pahayag ni Abat na posibleng maging daan sa pagtatayo ng military junta. (Ulat ni Evelyn Macairan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am