Paslit nalitson sa sunog
June 17, 2005 | 12:00am
Kalunus-lunos na kamatayan ang inabot ng isang 3-anyos na paslit matapos matusta ng apoy nang masunog ang kanilang bahay, kahapon sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Arjie Vidad, residente ng #1274 Wagas St., Tondo.
Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Dept., hinihinalang faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na nagsimula sa kisame ng bahay ng isang Warlito Artates sa nasabing lugar.
Batay sa ulat ni Sr. Fire Officer 1, Wilson Tana, arson investigator, dakong ala-1:25 ng hapon nang magsimula ang sunog. Umabot ang sunog sa ika-apat na alarma at dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog, naapula ang apoy bandang ala-1:49 ng hapon.
Nabatid na apo umano ni Artates ang paslit na natusta at bago umano namataang nagliliyab na ang nasabing bahay ay nagkani-kanya umano ng takbong palabas ang mag-anak kung saan naiwang natutulog ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest