Hapones, taxi driver sugatan sa holdap

Isang taxi driver ang nasawi, habang sugatan naman ang pasahero nitong Hapones matapos silang pagbabarilin ng apat na holdaper at tangayin ang P300,000 payroll money na dala ng huli, kahapon ng hapon sa Pasig City.

Nakilala ang nasawing driver na si Antonio Roxas, ng More taxi, habang sugatan naman ang pasahero nitong si Kinechi Takahashi, finance officer ng Yamato Engineering.

Ang mga ito ay kapwa nagtamo ng tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon habang binabagtas ng taxi ang kahabaan ng Shaw Blvd., Pasig kung saan sakay ang Hapones na nag-withdraw ng pangsuweldo sa banko.

Matapos paulanan ng bala ay agad kinuha ng isa sa mga suspect ang bag na naglalaman ng P300,000 at mabilis na tumakas sa lugar.

Hinala ng pulisya na posibleng natiktikan ang Hapones ng mga suspect o isang inside job ang pangyayari. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments