Malabon ambush: 2 pulis dedo
June 16, 2005 | 12:00am
Dalawang tauhan ng pulisya ang nasawi matapos na tambangan ng anim na armadong kabataang lalaki habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan sa isang parking lot sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga nasawing pulis na sina SPO1 Rodolfo Gatus, 42, nakatalaga sa PNP bomb squad sa Camp Crame at PO2 Melvin Mañalac, 40, anak ni Malabon Councilor at dating hepe sa nabanggit na lungsod na si Boyong Mañalac. Namatay noon din ang mga biktima sa lugar na pinangyarihan ng krimen bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Samantala, mabilis namang nagsitakas ang mga hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang pamamaslang sa mga pulis.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na dakong alas-10 ng gabi nang tambangan ang mga biktima sa may parking lot ng Doña Angela Bldg, Estrella St., Taniong, Malabon.
Sinasabing nagsasagawa ng routine patrol sa lugar si Mañalac nang makita nito si Gatus na namimili naman ng isda. Sandaling nagkamustahan at nagkuwentuhan ang mga ito nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspect na armado ng mga baril at saka sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktima.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa pananambang, habang inilunsad na rin ang manhunt operation laban sa mga suspect.(Ulat ni Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest