^

Metro

Miyembro ng drug syndicate, nakatakas din

-
Nakatakas din ang isang babaeng Chinese na miyembro ng drug syndicate matapos umanong dukutin ito ng mga armadong kalalakihan habang nakasakay sa isang taxi kasama ang kanyang mga escort mula sa Bureau of Jail Management and Penology noong nakaraang Sabado ng hapon.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Taguig Police, nakilala ang nakatakas na bilanggo na si Sally Ong, miyembro ng drug syndicate na nag-ooperate sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon noong Sabado sa kahabaan ng FTI, Taguig City.

Sakay umano ang nabanggit na bilanggo sa isang taxi kasama ang mga escort na sina SJO1 Cherry Yaorra at JO2 Maribeth Gabad, kapwa nakatalaga sa Metro Manila Rehabilitation Center sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Hindi naman binanggit sa report kung saan dadalhin ng naturang mga jailguard ang bilanggong si Ong.

Habang binabagtas ng mga ito ang nabanggit na lugar ay bigla umanong hinarang sila ng mga armadong kalalakihan na pawang mga naka-motor. Tinutukan ng baril ang dalawang jailguard at saka tinangay ang inmate na si Ong.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

CHERRY YAORRA

LORDETH BONILLA

MARIBETH GABAD

METRO MANILA

METRO MANILA REHABILITATION CENTER

ONG

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with