^

Metro

'Pajero Lady' nakatakas o pinatakas?

-
Isang masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng Central Police District-Criminal Investigation Division (CPD-CID) upang alamin kung pinatakas o nakatakas ang tinaguriang ‘Pajero Lady’ mula sa kamay ng kanyang mga security sa loob ng isang ospital sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kasabay nito, isang malawakang manhunt operation uli ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect na si Josephine Garcia, 52, kilala din sa pangalang Marilou de Guzman.

Ito ay nakapiit sa Correctional Institute for Women matapos na mahatulan sa tatlong kaso ng estafa sa Makati City Regional Trial Court.

Ayon kay Supt. Popoy Lipana, CPD-CID chief, dakong alas-6 ng gabi nang isagawa ng Pajero Lady ang pagtakas sa loob ng isang ospital sa Quezon City.

Kumakain umano si Garcia kasama ang kanyang mga bantay na sina Prison Guard Benedicto Ortega at Allan Listana sa canteen ng ospital nang magpaalam ang una na pupunta lamang sa banyo. Subalit makaraan ang ilang oras ay hindi na muli itong nagpakita.

Nabatid na nagsimulang ma-confine si Garcia sa pagamutan noong Hunyo 1 kung saan inoperahan ito sa matris at bukol sa kanyang suso noong Hunyo 10.

Lumilitaw na nakita sa surveillance video na lumabas sa Room 4014 si Garcia kasama ang isang nagngangalang Josephine Horden at kanyang mga prison guard.

Subalit sa rekord ng pulisya, nag-report sa kanila sina Ortega at Listana na umano’y inagaw sa kanilang kustodya ng tatlong armadong kalalakihan si Garcia at saka isinakay sa L-300 van at ibinaba sa Araneta Avenue.

Wala namang napansing anumang gulo o komusyon sa loob ng pagamutan na magpapatunay sa alegasyon ng dalawang bantay.

Kaugnay nito, inulan ng tawag ang CPD mula sa mga biktima ng ‘Pajero Lady’.

Matatandaan na si Garcia ay naging kontrobersiyal bunga ng kanyang modus operandi kung saan pinagnanakawan niya ang mga mayayaman gamit ang iba’t ibang pangalan kung saan minsan din niyang ipinalabas na siya ay namatay na upang makakuha ng insurance at takasan ang sintensiya sa kanya. (Ulat ni Doris Franche)

ALLAN LISTANA

ARANETA AVENUE

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CORRECTIONAL INSTITUTE

DORIS FRANCHE

GARCIA

HUNYO

JOSEPHINE GARCIA

PAJERO LADY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with