2 patay sa Quezon City
June 13, 2005 | 12:00am
Natagpuang patay ang dalawang lalaki kung saan ang isa ay may tama ng bala ng baril sa katawan habang ang isa ay may palo sa batok sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.
Unang natagpuan ang bangkay ng biktimang si Antonio Sabella, 29, ng #649 Road 6 Block 5, Port Area Manila dakong alas-8:15 ng gabi kamakalawa. Nakahandusay ito sa tapat ng Philippine Childrens Hospital na may tama ng bala ng baril sa dibdib.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng pinatay ang biktima sa ibang lugar bago itinapon sa tapat ng nasabing ospital upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.
Makalipas ang limang oras, natagpuan naman ang bangkay ng biktimang si Reynaldo Aboyne, 45.
Batay sa report ni PO3 Jimmy Jimena, desk office ng CPD-CID, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob Gozen Inc. Export Area.
Sa testimonya ni Efren Mercado, guwardiya ng kompanya, kasalukuyan siyang nagpapatrolya nang mapansin ang biktima na naliligo sa sariling dugo. Nagtamo ng sugat sa batok ang biktima na indikasyon na pinalo ito ng matigas na bagay sa batok.
Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang mga awtoridad. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest