Factory worker utas sa suffocation
June 13, 2005 | 12:00am
Isang factory worker ang namatay nang kapusin sa paghinga habang naglilinis ng tangke ng imbakan ng toyo sa loob ng pabrika sa Malabon City kamakalawa ng hapon.
Halos nangingitim na ang bangkay ni Alex dela Cruz, 34, empleyado ng Silver Swan Soy Sauce Factory sa Panghulo Road, Malabon nang matagpuan dakong alas-3 ng hapon noong Sabado.
Lumilitaw na umaga pa lamang noong Biyernes nang magsimulang linisin ni dela Cruz ang tangke ng toyo hanggang sa hindi na ito nakita ng hapon.
Subalit noong Sabado ng umaga ay hindi pa rin nakita ang biktima hanggang sa minabuti na lamang ng mga kasamahan nito sa trabaho na hanapin si dela Cruz.
Hinihinala naman ng pulisya na posibleng nahilo hanggang sa ma-suffocate ang biktima.
Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa insidente. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended