^

Metro

Reporter binaril ng holdaper

-
Isang tabloid reporter ang inoobserbahan ngayon sa Camp Aguinaldo Hospital nang holdapin at barilin ng hindi pa nakikilalang holdaper kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang pumutok ang gulong ng biktimang si Shelley Pilapil, 33, reporter ng pahayagang Tiktik sa panulukan ng P. Salita at C. Namie St. malapit sa R. Papa St. sa Bo. Obrero matapos na ihatid ang isang kaibigan.

Huminto ang biktima at habang inaayos ang gulong ng kanyang kotse na Kia Pride na may plakang WCF-792, isang lalaki ang lumapit at binaril ito sa ulo.

Bagama’t may tama, nagawa pa ring makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong sa isang tricycle driver at nagpahatid sa Ospital ng Maynila. Nilimas ng suspect ang mga gamit sa sasakyan na kinabibilangan ng cellphone, relo, bracelet, kuwintas at cash na P2,500.

Wala namang matukoy na suspect si Supt. Florence Ortilla subalit hinihinala ng pulisya na modus operandi ng mga holdaper ang magkalat ng spikes upang maplatan ang sasakyan at makapambiktima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGAMA

CAMP AGUINALDO HOSPITAL

DANILO GARCIA

FLORENCE ORTILLA

HUMINTO

KIA PRIDE

MAYNILA

NAMIE ST.

PAPA ST.

SHELLEY PILAPIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with