^

Metro

2 MMDA enforcer huli sa kotong

-
Huli sa akto ng mga tauhan ng CPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) ang dalawang miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tumatanggap ng kotong na isang bote ng Fundador mula sa isang motorista sa isinagawang entrapment operation sa Quezon City.

Kasalukuyang nakapiit sa CPD-DIID ang suspect na sina Evan Cutamora, 24, at Joseph Salazar, 41.

Ayon kay DIID chief Supt. James Brillantes, ang entrapment operation ay base na rin sa reklamo ng biktimang si Christopher Flores, FX driver ng Lot 15 IMC Homes Camarin, Caloocan City. Napag-alaman na hinuli sa isang traffic violation ang biktima ng dalawang suspect.

Sa salaysay ng biktima, isasauli umano ng mga suspect ang kanyang lisensiya kung magbibigay siya ng isang bote ng alak na Fundador at P200.

Dahil sa nasabing kondisyon ay minabuti munang magsumbong ng biktima sa mga awtoridad dahilan upang magsagawa ng entrapment operation dakong alas-2 ng hapon sa loob ng isang foodchain sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue. (Ulat ni Doris Franche)

CALOOCAN CITY

CHRISTOPHER FLORES

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

EVAN CUTAMORA

FUNDADOR

HOMES CAMARIN

JAMES BRILLANTES

JOSEPH SALAZAR

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with