^

Metro

4 na galamay ng shabu queen timbog

-
Arestado ang apat na katao kabilang ang isang babae na pawang mga galamay ng shabu queen sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang mga suspect na sina Jennifer Salvador, 40; Ricardo Matias, 48; Melvin Santiago, 39, at Marcelo Marcelo, 41, na napag-alamang nasa order of battle ng pulisya bilang katiwala ni Dyesebel de la Cruz, alyas Baby China, tinaguriang shabu queen ng Marikina City.

Nakumpiska sa mga suspect ang limang sachet ng shabu, drug paraphernalias at P500 marked money.

Ayon sa pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AID-SOTF) sa Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito matapos na magpanggap na poseur-buyer ang isang kagawad ng pulisya upang bumili ng halagang P500 shabu kay Marcelo.

Nang maibigay ni Marcelo sa pulis na tumayong poseur-buyer ang ilegal na droga ay agad itong inaresto ng pulisya, samantalang nadakip din sa katabing bahay ang iba pang suspect sa isinagawang follow-up operation. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ARESTADO

BABY CHINA

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EDWIN BALASA

JENNIFER SALVADOR

MARCELO

MARCELO MARCELO

MARIKINA CITY

MELVIN SANTIAGO

RICARDO MATIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with