Erap supporters nasabat sa checkpoint
June 12, 2005 | 12:00am
Labinlimang jeep na puno ng mga supporters ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ang nasabat ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang checkpoint na kanilang inilatag sa paanan ng Guadalupe bridge sa Makati, kamakalawa ng gabi.
Ang mga Erap supporters ay patungo sana sa San Carlos Seminary nang masabat ng mga anti-riot policemen ng NCRPO upang sumuporta sa panawagan ni dating NBI deputy director Atty. Samuel Ong na lumabas matapos nitong isiwalat na nasa kanya ang orihinal na kopya ng naganap na usapan nina Comelec official at Pangulong Gloria Arroyo at upang pababain sa puwesto ang Pangulo.
Ang 15 pampasaherong jeep na naka-convoy ay pinangungunahan ni Ronald Lumbao, pinuno ng Peoples Movement Against Poverty (PMAP). (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended