Driver, 1 pa patay sa QC holdap
June 11, 2005 | 12:00am
Dalawang lalaki ang namatay kabilang ang isang taxi driver nang holdapin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City.
Idineklarang dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Edgar Guillera, 26, taxi driver, ng #142 Upper Everlasting, Brgy. Payatas. Nagtamo ito ng maraming tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya na natagpuan ang biktima dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, ng nabanggit na lungsod na naliligo sa kanyang sariling dugo.
Samantala, tinataya namang may taas na 56 at nasa edad 45-47 ang isang lalaki na may tama ng saksak sa katawan nang matagpuan bandang alas-5 ng madaling-araw ng scavenger na si Heidi Alcer.
Kasalukuyang nagbubungkal ng basura si Alcer nang mapansin niya ang bangkay ng isang tao sa panulukan ng Samat St. at Sto. Domingo sa Brgy. Sto. Domingo.
Wala namang matukoy na suspect ang mga awtoridad sa dalawang insidente bagamat hinihinala nila na holdap ang motibo dahil na rin sa pagkawala ng pera ni Guillera sa wallet at personal na gamit naman ng hindi pa nakikilalang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest