Sasakyang ginamit ng killer ng TV director, isinuko
June 11, 2005 | 12:00am
Nasa kustodya na ng pulisya ang sasakyan na ginamit ng suspect na bumaril at nakapatay sa TV director na si Luigi Santiago matapos na isurender ito kahapon.
Dinala sa himpilan ng pulisya ni Estrella Angeles ang kulay Silver na Toyota Hilux (hindi Ford Explorer gaya nang unang naiulat) na may plakang XTW-280 sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Southern Police District Office (SPDO).
Nabatid na ito umano ang nakitang behikulo na sinakyan ng suspect na si Oliver Angeles matapos itong magpaulan ng bala ng baril na ikinasawi ni Santiago at ikinasugat ng anim na iba pa.
Ayaw magbigay ng kumpletong detalye ni Estrella kung kaano-ano niya at paanong napunta kay Oliver. Tanging ang sinasabi nito ay bahala na lamang aniya ang mga abugado niya dito.
Katwiran lamang ng babae na kaya niya isinuko ang nasabing sasakyan ay dahil nasabi niya ang plate number nito sa mga pahayagan at nag-aalala siya na mapahamak kapag ginamit niya ito.
Base sa rekord, ang nasabing sasakyan ay nakarehistro sa isang Charito Angeles na kasalukuyang nasa ibang bansa.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended