^

Metro

Golf course sa Metro Manila hihigpitan ng DENR

-
Didisiplinahin na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga golf courses sa Metro Manila.

Ito ang ipinahiwatig ni Environment Secretary Michael Defensor makaraang mapatunayan ng ahensiya na ang mga golf courses ang isa sa mga dahilan kung bakit kapos sa suplay ng tubig ang may 8 milyong residente ng Kalakhang Maynila at Rizal province.

Upang masolusyunan ang naturang problema, kinausap ng DENR ang mga tagapangasiwa ng mga golf courses sa Metro Manila at pinayuhan ang mga itong kumuha ng water permits upang ma-regulate ang ground water extraction ng mga golf courses sa kanilang mga lugar.

Sa 12 golf courses sa Metro Manila, tanging ang Valley Golf Club, Wack-Wack Golf Club at Manila Golf Club ang nag-apply sa National Water Resources Board (NWRB) ng DENR para sa water permit.

Wala pang aplikasyon para sa water permit ang Camp Aguinaldo Golf Club, Intramuros Golf Club, Fastridge Golf Club at Philippine Navy Golf Club. (Ulat ni Angie dela Cruz)

CAMP AGUINALDO GOLF CLUB

CLUB

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENT SECRETARY MICHAEL DEFENSOR

FASTRIDGE GOLF CLUB

GOLF

INTRAMUROS GOLF CLUB

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with