5,000 kolorum nasabat ng LTO

Umaabot sa 5,000 kolorum na sasakyan ang kinumpiska ng Land Transportation Office (LTO) nito lamang nakalipas na buwan ng Mayo kaugnay ng anti-colorum program ng ahensiya.

Tinawag ang programang National Anti-Colorum Strategy, sinabi ni LTO spokesman Atty. Jimmy Pesigan, karamihan sa mga nahuling kolorum na sasakyan ay mula sa Metro Manila at karatig-lalawigan.

Ang programang ito ay bunsod na rin ng kautusan ni DOTC Asst. Secretary at LTO chief Anneli Lontoc para linisin ang kalsada laban sa mga hindi rehistradong sasakyan.

Bilang patunay na pursigido sa kanilang kampanya, humiling pa ang LTO ng 100 miyembro ng National Anti-Kidnapping Task Force para makatuwang sa paghuli sa mga kolorum na sasakyan.

Ang naturang hakbang ay bilang hakbangin din ng naturang mga ahensiya ng pamahalaan laban sa mga sindikatong gumagamit ng private vehicles sa iba’t ibang uri ng krimen tulad ng kidnappng at carnapping. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments