^

Metro

Dalaga ibinugaw ng nobyo sa 500 piso

-
Napalitan ng galit ang pagmamahal ng isang dalaga sa kanyang nobyo matapos na ibugaw ng huli ang una kapalit ng halagang P500 sa Caloocan City.

Kasalukuyan pinaghahanap si Darwin Batac, 19, out-of-school youth ng #414 Doce 36, East Bagong Barrio ng nasabing lungsod matapos umano nitong ibugaw ang kanyang nobyang itinago sa pangalang Lanie, 19, at ka-lugar ng una.

Pinaghahanap din ng mga awtoridad ang isang Elmer Baguio, 30, ng #68 Concepcion St., na siyang binentahan ni Batac ng kanyang nobya.

Sa naging pahayag ng biktima, naganap ang pambubugaw sa kanya ng nobyo noong May 20, 2005 dakong ala-1 ng madaling-araw sa isang basketball court sa kanilang lugar.

Ayon kay Lanie, nagtungo sila ng kanyang nobyo sa nasabing lugar dahil may kakausapin umano itong tao at dahil sa mahal niya ito ay napapayag itong sumama.

Pagsapit nila sa basketball court ay sinabihan siya ng suspect na maghintay at bibili lamang ng sigarilyo subalit makalipas ang ilang sandali ay nilapitan ito ng isa pang suspect na si Baguio.

Idinagdag pa ng biktima na sapilitan siyang kinaladkad ni Baguio sa isang comfort room di-kalayuan sa basketball court kung saan sinabihan ito na bayad na siya ng P500 sa nobyo nito na labis na ikinagulat nito.

Dito ay walang nagawa ang biktima kundi maging sunud-sunuran sa gusto ni Baguio hanggang sa mailugso nito ang puri ng dalaga.

Nang makaraos si Baguio ay parang walang nangyari na lumabas ito ng palikuran at naglakad palayo habang mabilis namang hinanap ng biktima ang nobyo subalit hindi niya ito matagpuan.

Sa mangiyak-ngiyak na salaysay ng biktima, hindi agad ito makapagsumbong dahil sa labis na kahihiyang sinapit hanggang sa maikuwento nito sa isang kaibigan na siyang nagsama dito sa himpilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng reklamo. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BATAC

CALOOCAN CITY

CONCEPCION ST.

DARWIN BATAC

DITO

EAST BAGONG BARRIO

ELMER BAGUIO

LANIE

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with