^

Metro

'Kabo' ng loteng dinukot

-
Dinukot ng apat na armadong kalalakihan na nagpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 52-anyos na kabo ng ilegal na sugal na loteng habang nagpapahinga ito sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang biktima na nakilalang si Emilio Barilio, ay dinukot umano ng hindi pa nakikilalang apat na suspect sa loob ng kanilang bahay sa 24 Minahan Interior, Brgy. Malanday ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi nang magulantang ang biktima at ang pamilya nito ng biglang pumarada sa harapan ng kanilang bahay ang isang kulay gray na L-300 van na walang plaka.

Agad na bumaba ang apat na kalalakihan na armado ng maikli at mahahabang baril na nagpakilalang mga tauhan ng NBI at sapilitang isinakay sa kanilang sasakyan ang biktima at pagkatapos ay matuling umalis ng lugar.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-coordinate na ang Marikina police sa NBI kung talagang mga tauhan nila ang dumukot sa biktima habang nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon kung bakit dinukot ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

DINUKOT

EDWIN BALASA

EMILIO BARILIO

MALANDAY

MARIKINA CITY

MINAHAN INTERIOR

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with