^

Metro

3 protektor ng video karera, kalaboso

-
Kalaboso ang tatlong kalalakihan na umano’y mga protektor ng ilegal na sugal na video karera o ‘fruit game’ matapos na suhulan ng mga ito ang mga pulis na nang-raid sa illegal na operasyon, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspect na sina Rafael Banes, 28, Brendon Saguban, 22 at Eugene Ursal, 28, pawang residente sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng hapon ng magsagawa ng raid ang mga tauhan ng Marikina police sa isang bahay sa Roman St., Friendly Village, Brgy. Concepcion Uno matapos na makatanggap ng ulat na talamak ang video karera o fruit game sa lugar.

Habang binubuhat ng mga pulis ang nasamsam na video machine ay lumapit ang tatlong suspect na nagpakilalang silang may-ari at inalok ang mga pulis ng halagang P500 kada isang araw huwag lang dalhin ang mga makina.

Dahil sa panunuhol agad na inaresto ng mga awtoridad ang tatlo at agad ding itinakda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga ito.

Magugunitang may ulat na ang video karera ang siya ngayong ipinapalit na pagkakakitaan ng mga naapektuhan sa jueteng operation. (Ulat ni Edwin Balasa)

BRENDON SAGUBAN

BRGY

CONCEPCION UNO

EDWIN BALASA

EUGENE URSAL

FRIENDLY VILLAGE

MARIKINA CITY

RAFAEL BANES

ROMAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with