Base sa desisyon ni Judge Cesar Ylagan ng Branch 231, Pasay City Regional Trial Court (RTC), hinatulan nito ng habambuhay na pagkabilanggo ang akusadong si Jiu Chang Hsu, 30.
Sa record ng korte, ang naturang dayuhan ay isang marketing agent ng Touch Racio na nakabase sa Kaohsing City, Taiwan.
Inaresto ito sa NAIA, Pasay City noong Setyembre 14, 2001, dakong alas-8 ng gabi matapos makumpiskahan ng nabanggit na droga na nakalagay sa isang banga habang nagsasagawa ng inspection ang mga kagawad ng Bureau of Customs (BoC) sa Lane 10 ng nabanggit na paliparan.
Ngunit mariing itinanggi ng akusado ang 7.5 kilo ng shabu na nakumpiska sa kanya. Sa mga ebidensiyang isinumite laban sa nabanggit na dayuhan, napatunayan ng hukuman na ito ay nagkasala at lumabag sa Section 15 ng Anti-Drug Abuse Laws, Article 6425. (Ulat ni Lordeth Bonilla)