2 batang lalaki inireklamo ng panggagahasa
June 6, 2005 | 12:00am
Dalawang batang lalaki ang nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD) matapos na ireklamo ng panggagahasa ng kanilang 5 taong gulang na kalaro sa Caloocan City.
Ang mga suspect na itinago sa pangalang Dante, 9, at Mario,12, ay kinasuhan ng biktimang si Susan sa Womens and Childrens Desk matapos siyang halayin ng mga ito sa isang bakanteng lote kamakalawa ng tanghali.
Lumilitaw na nakapanood ng bold film ang dalawang bata at matapos ito ay niyaya ang biktima sa bakanteng lote at isinagawa ang panghahalay.
Kukuwestiyunin naman ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay kung bakit pinayagan nitong manood ng malaswang VCD ang mga bata.
Nabatid na nais ng mga magulang ng mga bata na aregluhin na lamang ang kaso subalit desidido umano ang pamilya ng biktima na papanagutin ang mga ito sa kaso bagamat nasa murang edad pa lamang ang mga suspect. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended