1 utas, 2 sugatan sa namaril na sekyu
June 6, 2005 | 12:00am
Isang lalaki ang namatay habang dalawa pang katao ang nasugatan nang mamaril ang isang security guard na napikon kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Sta.Teresita Hospital ang biktimang si Greggy Jona, 21, samantalang ginagamot naman sa nasabi ding ospital ang kaibigan nitong si Benjie Meregmen, 24, at Jessica Reyes, 14, na tinamaan ng ligaw na bala.
Kusang-loob namang sumuko sa CPD-CIU ang suspect na si Ortesio Rivan, guwardiya ng 7-11 Convinience Store sa Mayon St. San Francisco del Monte, ng nabanggit ding lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob mismo ng naturang convinient store.
Pumasok ang magkaibigang Jona at Meregmen na lasing at biniro ang suspect. Sa kabila nito hindi na umano ito pinansin ng suspect.
Subalit muling nagbiro ang mga biktima kung saan dinibdiban ng mga ito ang suspect na naging dahilan upang kunin ng huli ang kanyang baril.
Agad na pinaputukan ng suspect ang mga biktima na ikinasawi ni Jona at ikinasugat ni Meregmen. Nasugatan naman si Reyes nang tamaan ito ng ligaw na bala habang bumibili sa nasabing convenient store. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended