^

Metro

Chinese pinakulong ng kapwa Tsino

-
Bagsak sa kulungan ang isang Chinese national matapos itong arestuhin ng mga kagawad ng Malabon Police Warrant Section makaraang ireklamo ng kapwa Intsik dahl sa pamemeke ng mga dokumento kamakalawa ng hapon sa nasabing lungsod.

Nakilala ang inaresto na si Tiu Fee Lam, 29, alyas Mike Tui, at George Tui, tubong-Beijing, China at residente ng #4009 Binondo, Manila.

Ang suspect ay ipinagharap ng kasong falsification of public documents ng mga biktimang sina Chiong Uy at So Kiat Yun Ong, pawang mga kababayan ng suspect at kasalukuyang residente ng #52 Gov. Pascual Avenue, Malabon City.

Sa ulat, dakong alas-2 nang madakip ang suspect sa tahanan nito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Nicanor Manalo Jr. ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 4.

Sa pautal-utal na pananagalog ng mga biktima, sinabi ng mga ito na ginamit ng suspect ang kanilang mga pangalan at dinoktor ng suspect ang kanilang mga pirma sa isang business transaction.

Si Lam ay kasalukuyang nakapiit sa Malabon detention cell kung saan naglagak ang piskalya ng NMTC ng halagang P12,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Kaugnay nito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pulisya ng Malabon sa Bureau of Immigration and Deportation kung may legalidad ang pagpasok ng suspect sa bansa. (Ulat ni Rose Tamayo)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHIONG UY

GEORGE TUI

JUDGE NICANOR MANALO JR.

MALABON

MALABON CITY

MALABON POLICE WARRANT SECTION

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT BRANCH

MIKE TUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with