2 apo ni Dolphy, 5 pa timbog sa rambol
June 5, 2005 | 12:00am
Inaresto ng mga awtoridad ang pitong kalalakihan kabilang ang dalawang apo ni Comedy King Dolphy makaraang masangkot sa kaguluhan kahapon ng madaling-araw sa Timog Avenue, Quezon City.
Ang mga inaresto ay kinilalang sina Nico Quizon, 17; kapatid nitong si John, 15, kapwa residente ng #5 Ubay St., Quezon City at si Harvie Jaen, 20, ng La Loma, Quezon City.
Dinakip din ang mga nakalaban ng grupo ni Quizon na sina Cheng Enriquez, 34; Ki Tin, 20; Jay Royce Jamero, 21; at Mark Francis Pioquinto, 22, pawang residente ng Valenzuela City.
Ang mga ito ay inireklamo ng driver ng Nine Stars taxi (PWZ-580) na si Ambrosio Codera, 33, makaraang mabasag ang salamin ng kanyang sasakyan nang maipit sa dalawang nagbabangayang grupo.
Ayon kay Jenny, asawa ni Enriquez, sa loob pa lamang ng Venue 108 sa Timog Avenue ay nagkakairingan na ang dalawang grupo dakong alas-3 ng madaling-araw.
Dahil dito ay nagpasya ang kanilang grupo na umalis na lamang sa bar sakay ng Pajero (XLK-509) subalit nakita rin nilang sumakay ng taxi na minamaneho ni Codera ang grupo ni Quizon.
Bago tuluyang sumakay ng taxi ay sumenyas umano ng bastos at tila naghahamon si Quizon.
At nang magkatapat ang dalawang sasakyan ay nagpalitan muli ng masasamang salita ang magkabilang grupo at nagbabaan ng kanilang sasakyan hanggang magpang-abot sa may Timog Avenue, kanto ng Sct. Reyes.
Sinabi pa ni Codera na umulan din ng bato bagamat hindi niya matukoy kung kaninong grupo nagmula na siyang naging dahilan upang mabasag ang salamin ng kanyang sasakyan at ng Pajero. Nahinto lamang ang gulo nang mapadaan ang mga pulis at pinagdadampot ang mga nag-aaway.
Ayon kay P/C Insp. Santiago Pascual, ang mga inarestong kalalakihan ay sasampahan ng kasong alarm and scandal at malicious mischief.
Habang nakatakda namang kasuhan ng physical injuries nina Enriquez at Pioquinto ang magkapatid na Quizon dahil sa tinamong mga bukol at sugat sa mukha. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended