2 pulis lusot sa kotong
June 4, 2005 | 12:00am
Pinawalang-sala ng Manila City Prosecutors Office ang dalawang pulis na nahuli sa isang entrapment operation sa umanoy pangongotong ng mga ito sa magkapatid na trader, kamakailan sa Sampaloc, Maynila.
Sa rekomendasyon ni Asst. City Prosecutor Glenda Mendoza, pinawalang-sala at pinalaya nito sina PO2 Dino Magallanes ng Computer Service sa PNP Headquarters, Camp Crame at PO2 Almerto Lumagui ng Station 8 ng Central Police District (CPD).
Matatandaan na dinakip ng mga kagawad ng Western Police District (WPD) ang dalawa kamakailan sa isang entrapment nang hingan umano nila ng P95,000 ang magkapatid na Evangeline at Vergenia dela Rosa sa may Legarda St., Sampaloc. Inaresto umano ng dalawang pulis ang magkapatid at sinabihang nakuhanan ng shabu. Humingi ang mga ito ng pera upang hindi sila kasuhan at palayain.
Nakahingi naman ng tulong ang mga biktima sa WPD na nagsagawa ng operasyon sa bayaran ng mga ito.
Duda naman ang magkapatid na dela Rosa na nagkaroon ng bayaran umano sa pagitan ng piskal at mga suspect upang paboran ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am