Chinese schools tutukan vs kidnap
June 4, 2005 | 12:00am
Nakatutok ngayon ang atensyon ng Western Police District (WPD) sa mga eksklusibong Chinese schools sa lungsod ng Maynila sa posibleng pag-atake ng sindikato ng kidnap-for-ransom ngayong darating na pasukan.
Sinabi ni WPD director Pedro Bulaong, nakikipag-koordinasyon sila ngayon kasama ang Manila City Hall sa mga school administrator para sa pagpapatupad sa kanilang security measures.
Nais ni Bulaong na ipatupad ang ID system sa bisinidad ng mga Chinese schools at iba pang eksklusibong paaralan at maging ang pagpapatupad ng no parking area sa tapat ng mga paaralan.
Kasama rin dito ang koordinasyon sa mga opisyal ng barangay para tumulong sa pagpapatrulya sa bisinidad ng mga paaralan, pagbabawal sa mga vendor na magtinda at pagtukoy sa mga kahina-hinalang personalidad na umaaligid sa mga paaralan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest