^

Metro

23-anyos dedo sa Russian roulette

-
Isang 23-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang maglaro ng Russian roulette sa harap mismo ng kanyang mga kaibigan, noong nakalipas na Martes sa Caloocan.

Nakilala ang biktima na si Dante Frigillana, binata, ng 105 Barrio Maligaya Bagong Anyo Compound on 2nd St. 3rd Avenue, Brgy. 118, Caloocan City. Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa kanang sentido at patay na bago pa man idating sa Tondo Gen. Hospital.

Ayon kay Senior Inspector Florante Santos, hepe ng homicide section ng Caloocan City police na kasama ng nasawi ang kanyang kaibigang si Roger Caliwan, 22 sa harap ng isa nilang kapitbahay na si Winnie Sarcilla, 45, driver nang maganap ang insidente.

Nabatid na nag-uusap ang biktima at kanyang mga kaibigan nang bigla na lamang ilabas ng nasawi ang kanyang baril.

Inalis nito ang mga bala sa baril at nagtira lamang ng isa at saka pinaikot at pagkatapos ay itinutok sa ulo at sinimulang maglaro ng Russian roulette.

Sa unang kalabit pa lamang nito sa gatilyo ay pumutok na ang baril at sumambulat na ang dugo sa ulo ng biktima.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng caliber .38 revolver na siyang pumatay sa biktima. (Ulat ni Jerry Botial)

vuukle comment

AYON

BARRIO MALIGAYA BAGONG ANYO COMPOUND

BRGY

CALOOCAN CITY

DANTE FRIGILLANA

JERRY BOTIAL

ROGER CALIWAN

SENIOR INSPECTOR FLORANTE SANTOS

TONDO GEN

WINNIE SARCILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with