^

Metro

Abusadong driver at konduktor bilang na ang araw

-
Nahaharap sa tatlong buwan na suspensiyon at multang P500 ang mga abusadong drivers at konduktor na hindi magbibigay ng discounts sa mga estudyante at multang P5,000 para sa mga may-ari ng transport facilities sa sandaling maging isang ganap na batas ang House Bill 4351 na inihain kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kasama sa mga papatawan ng parusa ang mga taxi, commercial airlines, barko, Light Railway Transit at Metro Railway Transit (MRT), na dapat magkaloob ng 25 porsiyentong diskuwento sa mga estudyante.

Ayon kay Alif party list Rep. Acmad Tomawis, hindi lamang ang mga pampasaherong jeep at bus ang dapat magbigay ng 20% diskuwento kundi maging ang iba pang uri ng transport utilities.

Malaki aniya ang maitutulong ng pagbibigay ng diskuwento sa pasahe sa barko at eroplano sa mga estudyanteng umuuwi ng buwanan sa kanilang mga magulang sa probinsiya.

Makakatulong din ang diskuwento sa mga estudyante na nagsasagawa ng research, educational tours, training at seminars sa mga malalayong lugar sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, ang diskuwento sa pasahe ay ibibigay sa buong taon kasama na ang weekends, holidays, semestral breaks at Christmas breaks para sa lahat ng elementary at secondary students o tuwing semestre sa mga estudyante sa kolehiyo maging ang mga mag-aaral sa vocation at technical schools. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ACMAD TOMAWIS

AYON

HOUSE BILL

KASAMA

KONGRESO

LIGHT RAILWAY TRANSIT

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

METRO RAILWAY TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with