2 pulis, 3 pa timbog sa bank holdap
June 2, 2005 | 12:00am
Dinakip at sinampahan ng kaukulang kaso ng pamunuan ng Western Police District (WPD) ang limang suspect na kinabibilangan ng dalawang pulis na sangkot sa panghoholdap sa Allied Bank kamakalawa.
Kabilang sa dinakip ang mga pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nakilalang sina PO1 Glenn Abardolasa, 35; PO1 Joselito Verdeflor, 29; mga sibilyang sina Allan Lucban Balanday ng Quiapo, Maynila; Charlando Bediones, 38; at Vicente Fagutao, 36, kapwa ng Pasay City.
Ang mga nabanggit ay sinampahan ng mga kasong robbery-holdup, multiple attempted murder, frustrated murder at illegal possession of firearms.
Napag-alaman na agad na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng WPD at CIDG ang mga suspect sa isang follow-up operation na isinagawa sa Balagtas, Pasay City matapos ang ginawang panloloob sa Allied Bank-Vito Cruz branch, kamakalawa ng hapon.
Isang saksi ang nagbigay ng impormasyon sa WPD sa pagkakita niya sa pagpasok sa inilarawang get-away vehicle sa loob ng isang compound sa Balagtas, Pasay City.
Nakumpiska sa mga ito ang isang Nissan Frontier pick-up van, isang kalibre .45 na walang permit to carry, isang .9mm pistol at kalibre .38 na kapwa expired ang lisensiya.
Itinanggi naman ng mga suspect ang kanilang pagkakasangkot sa naganap na panghoholdap at sinabing sila ay mga fall guy lamang.
Matatandaan na dakong alas-2 ng hapon nilooban ng may 20 armadong kalalakihan na nakasuot ng military uniform ang naturang bangko.
Bago nagsitakas, nakipagbarilan pa ang mga ito sa mga security guard na rumesponde kung saan isang bystander na nakilalang si Daniel Moss ang tinamaan ng ligaw na bala. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended