Roberry at vendetta motibo sa Taguig massacre
June 1, 2005 | 12:00am
Robbery at vendetta, ito ang dalawang anggulong iniimbestigahan ngayon ng pulisya kaugnay sa naganap na pagmasaker sa isang pamilya, noong Linggo ng gabi sa Taguig City.
Ayon sa pulisya, ang dalawang anggulong ito ang pinaniniwalaang mga pangunahing motibo ng hindi pa nakikilalang mga suspect kung bakit nila brutal na pinatay ang mga biktimang sina Hayda Napura, 44, na hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang ulo; asawa nitong si Antonio, ampon na si Haidi at katulong na si Tata Netis, 18.
Ayon sa Taguig Police, paghihiganti ang tinutungo ng kanilang imbestigasyon dahil sa nakitaan ng matinding galit ang mga suspect sa mga biktima sa isinagawang estilo nang pagpaslang.
Wala ring forcible entry na nakita ang pulisya sa main door ng bahay kayat pinaniniwalaan na kilala ng pamilya ang salarin.
Gayunman, may anggulo rin ng pagnanakaw makaraang madiskubre na niransak ang silid ni Hayda at wasak ang ilang cabinet na pinagtataguan nito ng pera sa kita sa kanyang bakery. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended