^

Metro

Manager hubo't-hubad na ikinulong ng lover na pulis

-
Hubo’t-hubad at tadtad ng pasa sa buong katawan na nagtatakbo sa gitna ng kalsada ang isang manager ng isang night club nang takasan nito ang pambubugbog ng ka-live-in na pulis, kahapon ng madaling- araw sa Malate, Maynila.

Dumulog naman sa Children’s and Women’s Desk ang biktimang si Jenny Saycon, 25, at inireklamo ng physical injury ang kanyang lover na si SPO1 Benjamin Bal-oot ng WPD Lawton Police Community Precint.

Ayon kay Saycon, apat na taon na umano silang nagsasama ni Bal-oot kung saan kalbaryo ang kanyang sinapit dahil sa madalas na panggugulpi sa kanya nito.

Kamakalawa ng gabi, naulit umano ang pambubugbog sa kanya ng pulis dahil sa selos na nagresulta ng blackeye sa magkabila niyang mata, pagputok ng kanyang kilay at pasa sa buong katawan.

Hindi pa umano nakuntento ang suspect at pinunit pa nito ang damit ng biktima at saka ikinandado ng walang saplot sa tinutuluyan nilang bahay.

Nakahanap naman ng pagkakataon ang biktima para makatakas kung saan nasumpungan nga niyang nagtatakbo sa lansangan ng walang saplot sa katawan at saka humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BENJAMIN BAL

DANILO GARCIA

DUMULOG

HUBO

JENNY SAYCON

KAMAKALAWA

LAWTON POLICE COMMUNITY PRECINT

MAYNILA

NAKAHANAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with