^

Metro

Atienza napikon sa talamak na 'kotong' sa Maynila

-
Ikinagalit kahapon ni Manila Mayor Lito Atienza ang santambak na sumbong sa kanyang opisina ng mga lehitimong mga negosyante sa lungsod ukol sa talamak na pangongotong na isinasagawa ng mga miyembro ng Western Police District (WPD).

Nabatid buhat sa mga sumbong ng mga negosyante na iba’t ibang mga pulis na nagpapakilalang buhat sa istasyon, District Police Intelligence Unit (DPIU) at District Intelligence and Investigation Division (DIID) ang nagtutungo sa kanilang mga puwesto dalawang beses sa isang linggo at nanghihingi ng "protection money".

Dumarating umano ang mga pulis na nakasuot-sibilyan sakay ng owner-type jeep at mga motorsiklo.

Bukod sa mga lehitimong mga negosyante, tambak din ang reklamo laban sa mga nagbebenta ng mga pekeng VCD sa Quiapo, Sta. Cruz at Divisoria sa panghihingi sa kanila ng P150 hanggang P200 kada araw para hindi hulihin.

Dahil dito, inatasan ni Atienza si WPD Director Pedro Bulaong na sawatain ang kanyang mga pulis na kanyang irerekomendang isuspinde at ipatapon sa mahihirap na assignment kapag napatunayan sa kanilang mga ilegal na gawain. Hindi umano dapat natutulog si Bulaong sa katiwalian ng kanyang mga tauhan upang hindi pa lalong lumala ang bumababang integridad ng pulisya sa Maynila.

Pinaalalahanan din ni Atienza ang mga tauhan ng WPD na tumigil sa pagsasagawa ng mga operasyon sa labas ng hurisdiksiyon ng Maynila na inirereklamo na puro hulidap lamang. (Ulat ni Danilo Garcia)

ATIENZA

BUKOD

DANILO GARCIA

DIRECTOR PEDRO BULAONG

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with