^

Metro

4 na Nigerian arestado sa estafa

-
Nadakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) sa isang entrapment operation ang apat na Nigerian national na nagtangkang tumangay ng P8.9 milyong halaga ng welding rod, kamakailan sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Friday Nwoke, Ikenna Agbaegbu, Ugum Igbunam at Henry Obina Nwani. Nahaharap sila ngayon sa kasong estafa at illegal possession of counterfeit money.

Sa ulat ng WPD, nag-ugat ang pagkadakip sa mga suspect matapos na humingi ng tulong ang biktimang si Josefina Espino, 43, may-asawa, may-ari ng CRU Hardware sa may Puyat St., Quiapo.

Ayon kay Espino, isa sa mga suspect ang umorder sa kanya ng isang container van ng welding rod na nagkakahalaga ng P8.9 milyon. Matapos ang delivery, isang tawag sa cellphone buhat sa mga suspect ang natanggap ni Espino kung saan nagpakilala ang kausap nito na Finance Minister ng Nigeria na hiningi ang account number ng kanyang bangko upang doon ilagak ang kabayaran sa kanilang inorder.

Isa pang tawag sa cellphone ang natanggap ni Espino na nagpakilalang isang diplomat ng Nigeria kung saan sinabi nito na meron siyang package buhat sa Finance Minister nila ngunit kailangan muna niyang magbayad ng UF$1,000 para sa airway bill.

Dito na nagduda si Espino kaya’t humingi na ng tulong sa pulisya. Nagsagawa naman ng entrapment ang mga tauhan ng WPD sa loob ng Manila Hotel nitong nakaraang Biyernes na nagresulta sa pagkaaresto sa apat na suspect.

Nakumpiska sa mga ito ang isang kahon na naglalaman ng mga bungkos ng papel na ginupit na kasing-laki ng pera, mga kemikal, instruction manual at US$100 na pinaniniwalaang peke. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

FINANCE MINISTER

FRIDAY NWOKE

HENRY OBINA NWANI

IKENNA AGBAEGBU

JOSEFINA ESPINO

MANILA HOTEL

PUYAT ST.

UGUM IGBUNAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with