^

Metro

Extradition case vs Strunk malabo

-
Inamin kahapon ng Department of Justice na magiging "make or break" na ang sitwasyon sa kasong extradition laban sa akusadong si Roger Lauren Strunk kaugnay sa Nida Blanca murder.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, magkakaroon ng clarificatory hearing sa darating na Hunyo 6 sa Estados Unidos at ang bagong petition hinggil sa extradition case laban kay Strunk ay isasampa sa sala ni Judge Gregory Hallows ng Eastern District Court of California.

Ipinaliwanag ni Gonzalez na kung muling ibabasura ni Hallows ang nasabing petition ay maaaring ito na ang maging "katapusan" ng nasabing kaso laban kay Strunk.

"It’s make or break this time," ani pa ni Gonzalez.

Aniya, sa ngayon ay patuloy nilang iniipon at pinag-iisa ang mga records hinggil sa nasabing kaso ng namayapang aktres upang maging maayos ang muling pagpapadala nito sa Estados Unidos.

Isasama rin sa petition ang mga testimonya ng tatlong bagong witnesses na sina Fedelyn Canonio, Andrada Dalandas at Ronnie Francisco.

Una nang ibinasura ni Hallows ang petition for extradition laban kay Strunk dahil sa kakulangan ng ebidensiya. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)

ANDRADA DALANDAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EASTERN DISTRICT COURT OF CALIFORNIA

ESTADOS UNIDOS

FEDELYN CANONIO

GONZALEZ

GRACE AMARGO

JUDGE GREGORY HALLOWS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with