Shabu, premyo sa bingo; 6 katao dinakip
May 30, 2005 | 12:00am
Anim na hinihinalang drug user ang pinagdadampot ng mga awtoridad sa isinagawang drug operation habang nagbibingo kung saan shabu ang premyo kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Kinilala ni CPD-Anonas Police Station chief, Supt. Agripino Agcaoili ang mga inaresto na sina Ricardo Camias, 26; Jeffrey Rafael, 38; Angelo Varona, 29; Rommel Villarin, 35; Narciso Pecson, 28, at Edmund Cruz, 38.
Ayon kay SPO1 Jaime Baylon dakong alas-12:30 ng madaling araw nang dakpin ang mga suspect sa #33 Matahimik St. Brgy. Malaya ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na isang concerned citizen ang tumawag sa pulisya upang ipagbigay alam na may nagaganap na pot session at pabingo ng mga suspect kung saan mapapanalunan umano ay shabu.
Mabilis na pinasok ng mga awtoridad ang bahay ni Villarin kung saan naaktuhan ang mga ito na gumagamit ng shabu habang nagbi-bingo.
Nakuha sa mga suspect ang anim na sachet ng shabu, shabu paraphernalias, bingo cards at bulilyo. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended