Mag-lolang Tsinoy tupok sa sunog
May 30, 2005 | 12:00am
Isang mag-lola na Tsinoy ang namatay samantalang limang kasambahay nito ang nasugatan nang tupukin ang kanilang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Halos natusta ang katawan ng mga biktimang sina Leticia Uy, 54, at Aya Yoshida Uy, 11, kapwa naninirahan sa #389 Coral St. Tondo habang isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sina Florida Agapay, 31; anak nitong sina Ara at Aiko Heart, tatlong buwang gulang; at kambal na sina Trian, 5, at Chelie Uy. Ang lima ay nagtamo ng bahagyang sunog sa katawan.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni Manila Fire Dept. chief, Supt. Pablito Cordeta na naganap ang sunog dakong alas-6:24 ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali na tinitirahan ng pamilya Uy at Agapay.
Sa teorya ng awtoridad naiwan ang kandila sa altar na nasa ikalawang palapag hanggang sa kumalat ang apoy at makulong ang mag-lola. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am