Rape with homicide isasampa vs suspect ng nursing student
May 30, 2005 | 12:00am
Nahaharap sa kasong rape with homicide sa Quezon City Prosecutors Office ang suspect na gumahasa at pumatay sa isang nursing student sa Quezon City.
Ayon kay CPD-CID chief, Sr. Supt. Popoy Lipana nagtugma ang fingerprints ng suspect na si Kim Claustro Osano, 28, sa fingerprints na nakuha sa bahay ng biktimang si Jackilyn Margarette Crespo, 26, sa #6 Bayabas St. Palmera Homes Subdivision ng nabanggit na lungsod.
Tumugma din ang mga fingerprints sa kalmot na natamo sa mukha at leeg ng suspect na indikasyon na nanlaban dito ang biktima.
Sinabi ni Lipana na nagpapahiwatig umano ng pagkagusto sa biktima ang suspect subalit iniiwasan ito ng una dahil may asawa ang huli.
Lumilitaw sa follow up investigation ng pulisya na sapilitang dumaan sa likod ng pinto ng bahay ng biktima ang suspect at saka isinagawa ang krimen.
Ipinaliwanag ni Lipana na isang kapitbahay ng biktima ang nakakita sa suspect na lumabas ng bahay matapos ang karumal-dumal na krimen.
Matatandaan na halos naaagnas na ang bangkay ng biktima nang matagpuan habang nakatali ang mga paa at kamay nito bukod pa sa pagkakasakal ng electrical cord sa leeg.
Wala ring saplot pang-ibaba ang biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended