^

Metro

Illegal recruiter nalambat ng PAIRTF

-
Nalambat ng mga operatiba ng Presidential Anti-Illegal Recruiter Task Force (PAIRTF) ang isang nagpakilalang pulis, reporter at broadcaster upang makakuha ng pera mula sa mga aplikante na nagnanais na magtrabaho sa Korea.

Kinilala ni PAIRTF Director Reynaldo Jaylo ang naarestong suspect na sina Joseph T. Lagua na reporter umano ng PNN News Center na matatagpuan sa 58-B Mindanao Ave., Proj. 6, Quezon City at broadcaster ng PBS-Radyo ng Bayan at ang live-in partner nito na si Cherry Villarudia.

Ang dalawa ay naaresto sa loob ng PNN News Center sa Quezon City dakong alas-10:45 ng umaga kahapon.

Nabatid na nag-ugat ang pagkaaresto sa mga suspect mula sa mga reklamong natanggap ng PAIRTF kaugnay sa umano’y ilegal na aktibidad ni Lagua kung saan sinasabing humihingi ito ng P150,000 hanggang P250,000 kapalit ng ilang non-existing job sa Korea.

Nakumpiska mula kay Lagua ang isang baril at ilang identification cards na nagpapakilala sa kanya bilang enforcement authority. Nagpapakilala din umano ito bilang founding member ng Phil. Guardian Brotherhood Inc. at isang undercover agent ng Philippine National Police (PNP).

Sa imbestigasyon, mariing itinanggi naman ni Villarudia na kagustuhan niya ang masangkot sa umano’y ilegal na aktibidad ni Lagua.

Aniya, matagal na niyang nais makipaghiwalay kay Lagua ngunit pinuwersa umano siya nitong makisama sa kanya at pinilit pang gawing kasabwat sa krimen.

Kasong paglabag sa syndicated large-scale illegal recruitment, trafficking of persons at estafa ang nakatakdang isampa sa suspect. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

B MINDANAO AVE

CHERRY VILLARUDIA

DIRECTOR REYNALDO JAYLO

GEMMA AMARGO-GARCIA

GUARDIAN BROTHERHOOD INC

JOSEPH T

LAGUA

NEWS CENTER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with