^

Metro

Grupong KARAPATAN umalma sa MTRCB

-
Umalma ang grupong KARAPATAN laban sa panukala ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos na ihayag nito na salain muna ang mga television talk show bago ito maipalabas.

Ayon kay Alex Lagunsad ng KARAPATAN, ang panukala ng MTRCB ay isang uri ng censorship na itinaon pa kung kailan inaatake ang mga taga media ng paraan ng pagsasampa ng kasong libelo.

Aniya, mistula umanong martial law ang sitwasyon dahil paninikil umano ito sa karapatan ng publiko na makapanood ng kanilang nais na palabas.

Sinabi ni Lagunsad na garantisado ng Konstitusyon ang karapatan ng publiko hinggil sa usapin ng malayang pamamahayag ng saloobin, impormasyon maging ang pagpili ng mga ito ng relihiyon.

Kinuwestiyon din ng KARAPATAN ang pagpapalabas ng "indefinite suspension" ng MTRCB sa programang "Ang Dating Daan at iba pang programa ni Bro. Eli Soriano. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALEX LAGUNSAD

ANG DATING DAAN

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

ELI SORIANO

KINUWESTIYON

KONSTITUSYON

LAGUNSAD

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with