Ang paniniyak ay ginawa ni Alentajan kasunod ng pagsusumite ng rejoiner-affidavit ni Revillame kaugnay ng pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban dito.
Ayon kay Alentajan, hindi na sila magsusumite pa ng memorandum o dagdag na ebidensiya dahil sapat na ang kanilang hawak na katotohanan.
Bukod dito, sinabi pa ni Alentajan na for resolution na ang kaso kung saan idedetermina ng piskal kung may probable cause sa kanilang kasong isinampa laban sa komedyante.
Samantala, nanindigan din si Revillame sa kanyang rejoiner na inosente siya sa kasong sexual harassment na isinampa ni Asis sa kanya. (Ulat ni Doris Franche)